“Gutom ka na Doy?” tanong ni Panyang sa nakababatang kapatid na nakatayo sa bintana’t tila malayo ang iniisip, habang nakatitig sa abalang mga tao sa kalye ng Pantua sa bayan ng Koronadal. Ang kalyeng ito ay napapaligiran ng mga gusaling pan dormitoryo, mga karenderya at iba’t ibang mga istablisamentong pangkalakaran.
“Wa’y pa man ah, hulaton ta anay si tatay,” sagot ni Dodoy sa nakatatandang kapatid na si Panyang na abala naman sa paghihiwa ng kamatis at sibuyas sa mesa. Matagal na ring hindi umuuwi ang kanilang ama, mga Limam-buwa’t kalahati na mula nang sya’y nagpaalam upang magtrabaho sa bayan ng Ilo-ilo. Lubha ngang napakalayo ng Ilo-ilo mula sa bayan ng Koronadal. Si Dodoy na dati-rati ay malusog at masigla, ngayon ay nanlalalim na ang mga mata’t namumutla pa. Gayun din ang nakatatanda nyang kapatid na si Panyang na halos buto’t balat na lamang.
Maaga pa lang ay nakadungaw na sa marupok at inaanay na bintana ng kanilang tinutuluyang apartment itong si Dodoy. Bawat dumadaan at humihintong traysikel ay masuring minamatyagan na tila nagbabakasakaling dumating na ang kanilang ama. Si Panyang naman ay halos hindi na natutulog gabi-gabi sa pagmamatyag sa bawat kalabog at tunog ng mga sapatos na kanyang naririnig sa paligid, inaasahan nyang ito ay kakatok sa kanilang pintuan at magsasabing “Dodoy, Panyang, ari na ko!”
Nananabik na ang magkapatid na makita at mayakap ang amang matagal ng nawalay sa kanila. Nag-aalala rin sila dahil sa haka-haka ng kanilang kasera na ang ama nila umano ay pumanaw na. Mapapanatag lamang ang loob ng dalawa kung kanilang masisilayan ang mahal nilang amain.
Habang abala si Panyang sa paghihiwa ng sibuyas at kamatis na ipanghahalo nya sa bagoong, upang kanilang pang-ulam para sa agahan ay agad syang nakarinig ng malakas na katok sa pintuan.
“Hala, basi si tatay na ina!” sigaw ni Panyang na agad namang napatitig kay Dodoy. Nagmamadaling sabik na tumungo si Dodoy sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok. At nang kanyang buksan ay bumungad sa kanya ang isang matangkad, mataba’t maputi na ang buhok at nanlilisik pa ang mga mata, ang kanilang kasera na kung tawagin nila ay Manang Waning.
“Maayong aga Manang Waning,” maamong pagbati ni Dodoy sa matanda.
“Maayong aga sa inyo!” pasigaw na sagot ng kasera sabay pasok sa silid ng walang pasabi. Nilibot nya ang buong silid, ang kusina, ang higaan, at tiningnan ang lahat ng mga kabinet at mga muwebles sa sulok.
“Bal-an nyo bala nga dugay na kamo waay ka bayad sang inyo nga renta sang sini nga apartment?” masungit na tanong ng matanda.
“Ah..aah…a.. ginahulat-hulat pa man abi namon si tatay nga mag-abot Manang Waning,” mautal na sagot ni Panyang.
“Ay, waay don tong tatay nyo! Kung buhi pa to, dugay ron to nagbalik. Ipatawag ko ang DSWD para kuhaon kamo diri kay waay sang may mag atipan kaninyo!” ika ng masungit na kasera.
“Manang Waning, indi man tamon ipaghatag sa DSWD ay, kay basi pangitaun kami ni tatay kung mag balik sya di,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Dodoy.
“Ah basta, bwas mismo ipakwa ko na kamo sa DSWD. Ang mga gamit ninyo parehas sang mga kubyertos, TV, kabinet kag iban pa, mabilin diri agod pambayad ninyo sa inyo nga mga utang sa akon!” wika ng matanda na agad namang lumabas at pabagsak na isinara ang pintuan.
Halos pagsakluban ng langit at lupa ang magkapatid sa mga sinabi ni Manang Waning. Agad napaisip ang magkapatid sa kung ano ang nararapat nilang gawin upang hindi sila makupkop ng DSWD.
“Ate Panyang, ano ayhan kung maglayas na lang kita agod indi kita mahatag ni Manang Waning sa DSWD?” tanong ni Dodoy sa nakatatandang kapatid na tahimik na umiiyak sa mesa.
“Diin man abi kita makadto, kag paano kung mag abot di si tatay kag pangitaon nya kita?” pasagot na tanong ni Panyang.
Agad tumayo si Dodoy na parang may pupuntahan sa labas ng apartment.
“Oh, diin ka makadto haw?” tanong ni Panyang sa kapatid.
“Mangita ako sang pwede ta maistaran nga lapit lang diri sa aton nga apartment agod mabantayan ta gihapon ang pag-abot ni tatay bisan waay na ta di,” sagot ni Dodoy na agad namang nagmadaling lumabas.
Sa labas ng apartment ay agad na napatingin si Dodoy sa lumang gusali na kaharap lang ng kanilang tinutuluyan. Naalala nya na minsan na syang na gawi sa lumang gusaling yaon upang maglaro ng taguan kasama ng tatlo nya pang mga kaibigan. Luma na at hindi na tinitirhan ang gusaling ‘yon. Nakasara ang lahat ng mga pintuan nito pero may natuklasan syang lagusan sa bandang likuran, sa may bahagi ng isang kwarto roon. Napakaliit lang ng lagusan na iyon, dahil dati itong pinaglalagyan ng aircon at kinakailangan pang akyatin bago maabot at madaanan. Sinikap ni Dodoy na makapasok sa gusaling iyon, kumuha sya ng isang sirang silya bilang patungan upang maakyat ang maliit na lagusan. At nang nakapasok na sya sa loob ay halos wala syang Makita sa sobrang dilim. Agad nyang pinailaw ang dala-dala nyang flashlight at naglibot sa buong gusali. Nagawi sya sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng gusali, may bintana ang silid na ‘yon kaya binuksan nya upang lumiwanag. Mula sa bintana ay napansin nyang kaharap din ng silid na iyon ang kanilang apartment.
“Ay, insakto gid ining kwarto nga ni para sa amon nga duha ni ate Panyang,” bulong ni Dodoy sa kanyang sarili.
Agad syang tumungo sa ibaba at dali-daling lumabas mula sa gusali upang ibalita kay Panyang na meron na silang matitirhan at mapagtataguan. Nang nakarating na sya sa apartment ay naabutan nyang umiiyak parin ang nakatatandang kapatid na si Panyang habang nakaupo sa kanyang papag. Nilapitan nya ito at inakap.
“Ate Panyang tama na ina, may ara ako nga ihambal sa imo nga ikalipay mo gid.” sabi ni Dodoy sa kapatid.
“Ano atong ihambal mo Doy haw?” tanong ni Panyang.
“May ara na kita istaran nga indi gid malayo ka tama sa aton nga apartment, sige ate panghimos na kay mabalhin na kita didto karon magdulom agod wala sang makakita sa aton,” wika ni Dodoy sa kapatid.
Pagpatak ng alas-siyete ng gabi ay tahimik na ang buong paligid at madilim na ang kalye, handa na ang magkapatid na lumisan tungo sa kabilang gusali. Dala-dala ang ilang mga kinakailangang kagamitan tulad ng damit, ilang mga gamit sa kusina, banig, mga unan, at kumot ay patagong tumungo ang magkapatid sa likod ng lumang gusali kung saan sila ay dadaan sa maliit na lagusan papasok.
“Ay sigurado ka Doy, diri kita maagi, daw kagamay man sang buho nga ini?” reklamo ni Panyang.
“Makaigo ta da ah, basta halong lang,” sagot ni Dodoy sabay pailaw ng kanyang flashlight.
Nang nakapasok na sila sa loob ng gusali ay agad silang umakyat patungo sa kwarto na nasa ikalawang palapag. Napakarumi ng silid na iyon, maraming lawa at namumuti pa sa alikabok kaya naglinis muna sila. Nang sila’y natapos na sa paglilinis ay nagdisisyon ang dalawa na magpahinga na muna saka inilatag ang kanilang banig at natulog.
Kinaumagahan, gaya ng nakaugalian ni Dodoy sa lumang apartment ay dumungaw rin sya mula sa bintana ng gusali upang pagmasdan ang kalye’t mga rumaragasang mga sasakyan kasabay ng kanyang pag-asang darating pa ang kanilang ama. Hanggang kailan kaya nila hihintayin ang kanilang ama? May ama pa ba silang hinihintay o patuloy na lamang silang maghihintay sa wala? Hanggang kailan at hanggang saan ang pag-asa at tiwala nina Dodoy at Panyang sa paghihintay para sa pagdating ng kanilang pinakamamahal na amain?
“Tani mag-abot na si tatay, tani mahinumduman nya man kami duha ni ate Panyang,” mangiyak-ngiyak na bulong ni Dodoy sa sarili.
“Ginoo, buligi kami duha ni Dodoy, tani masarangan namon ang ini nga pagtilaw, tani matabo na ang amon nga handom nga makaupod ang amon nga iloy. Ginoo, buligi kami…” dasal ni Panyang habang tahimk na umiiyak.